Comments Box SVG iconsUsed for the like, share, comment, and reaction icons
Sunog sa  Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City - Umabot sa Task Force Bravo ang sunog sa Blk 41, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City kaninang alas tres ng madaling araw. Isang senior citizen ang nasawi. Ito ang pangalawang sunog sa barangay sa loob ng isang linggo. Ayon sa ulat, nasa 200 bahay at 350 pamilya ang apektado sa nasabing sunog. | via Corinne Catibayan, GMA News

BASAHIN: https://bit.ly/3dCRHVF
Stand For Truth: June 5, 2020 (Balik probinsya sa gitna ng pandemic, safe nga ba?) - BALIK PROBINSYA SA GITNA NG PANDEMIC, SAFE NGA BA?
 
Sa gitna ng COVID-19 crisis, natuloy ang unang batch ng pagpapauwi sa ilalim ng “Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program” sa Leyte. Ang karamihan sa kanila, mga nawalan ng trabaho sa Metro Manila dahil sa COVID-19 crisis. Pero ang ilan pagdating sa probinsya, nakaranas ng diskriminasyon matapos mapag-alamang dalawa mula sa unang batch ang nagpositibo sa COVID-19! Pangako ng gobyernong mas magandang buhay sa probinsya, totoo nga ba?
Stand For Truth: June 5, 2020 (Flattening of COVID-19 curve sa bansa, nangyayari o hindi?) - FLATTENING OF COVID-19 CURVE SA BANSA, NANGYAYARI O HINDI?
 
Ayon kay Ted Herbosa, special adviser on COVID-19, nangyayari na ang pag-flatten ng COVID-19 curve sa bansa. Patunay raw ang pag-cope ng Philippine healthcare system sa mga bagong kaso ng sakit. Pero kung si Dr. Benjamin Co ang tatanungin, isang infectious disease expert, hindi pa ito nangyayari sa bansa dahil nananatiling nasa first wave ng sakit ang Pilipinas. Ang buong detalye, panoorin sa video.
Stand For Truth: June 5, 2020 (Online class sa mga liblib na isla, paano?) - ONLINE CLASS SA MGA LIBLIB NA ISLA, PAANO?

Walang TV, cellphone at access sa internet. Ganyan ang sitwasyon ng mga estudyante sa malalayong lugar gaya ng isla sa Almagro, Samar. Kaya ang mga estudyanteng magbabalik eskwela sa Agosto, problema kung pati sa kanila, ipatupad ang distance learning. Katulad ni Myles, grade 9 student sa isla, kinailangan pa niyang pumunta sa parteng bundok makasagap lang ng signal gamit ang hiram na cellphone. Ang buong kuwento, panoorin sa video!
Stand For Truth: June 5, 2020 (Php 5.1 bilyong halaga ng shabu, nasabat sa Bulacan!) - Php 5.1 BILYONG HALAGA NG SHABU, NASABAT SA BULACAN!
 
Nasabat sa Marilao, Bulacan ang shabu na nagkakahalaga ng 5.1 bilyong piso! Dahil dito, muling nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na papatayin ang sinumang sangkot sa iligal na droga. Panoorin ‘yan at ang ilan pang mga balita sa video na ito.
78 pasyenteng gumaling sa COVID, pinalakpakan at sinaluduhan habang paalis sa PHL Arena quarantine tent - Sinaluduhan at pinalakpakan ng mga frontliner ang halos 80 pasyente na napagtagumpayan ang kanilang laban sa COVID-19. Karamihan sa kanila ay mga OFW na uuwi na sa kanilang mga probinsya.

Balikan ang livestream ng 24 Oras:

Facebook: https://bit.ly/3cxdXPn
YouTube: https://youtu.be/6nsoBIzjk7U

Bisitahin ang www.gmanews.tv para sa iba pang mga balita.
Baby Kobe, pumanaw na - Nakaligtas man sa COVID-19, iginupo naman ng ibang sakit si baby Kobe, ang bagong silang na sanggol na unang itinuring na pinakabatang COVID-19 survivor sa bansa. Labis ang pagdadalamhati ng kanyang ama lalo't hindi niya nakapiling ang anak sa huling sandali dahil walang masakyan papuntang ospital.
24 Oras News Alert: Isang pamilya ng anim sa Jeddah, positibo sa lahat sa COVID-19 - PANOORIN: Positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang lahat ng anim na miyembro ng pamilya sa Jeddah, Saudi Arabia.

Bisitahin ang gmanews.tv/COVID19 para sa iba pang mga balita kaugnay ng COVID-19 pandemic.
Mga turista at leisure activities sa mga pasyalan, bawal pa rin sa Baguio - Baka raw sa Setyembre pa magbukas ulit ang turismo sa dinarayong lungsod ng Baguio. Dahil sa pandemic, halos P1.5-B na ang tinatayang nawalang kita sa lungsod. Bakas ang pagtamlay ng Baguio, mula sa mga saradong parke hanggang sa mga kabayo, kumupas na ang mga kulay.

Balikan ang livestream ng 24 Oras:

Facebook: https://bit.ly/3cxdXPn
YouTube: https://youtu.be/6nsoBIzjk7U

Bisitahin ang www.gmanews.tv para sa iba pang mga balita.
Sen. Lacson: Nakakasawa na ang paninisi ni Duque sa kanyang mga tauhan tuwing siya'y pumapalpak - Sawa na raw si Sen. Panfilo Lacson sa pagbaling ng sisi ni Health Sec. Francisco Duque III sa kanyang mga tauhan tuwing siya'y pumapalpak. Ang masaklap pa raw, nakakalusot si Duque sa tuwina. Ano raw ba ang anting-anting na meron si Duque para makatanggap ng special treatment?

Balikan ang livestream ng 24 Oras:

Facebook: https://bit.ly/3cxdXPn
YouTube: https://youtu.be/6nsoBIzjk7U

Bisitahin ang www.gmanews.tv para sa iba pang mga balita.
Benepisyo para sa mga medical frontliner na nagka-COVID O nasawi dahil sa sakit, sinimulan nang ipamahagi - Kinailangan pang magalit at manibak ni Pangulong Duterte para mapabilis ang pamamahagi ng benepisyo para sa mga health worker na nagka-COVID-19 o 'di kaya'y namatay dahil sa virus. Kanina, mismong si Health Sec. Francisco Duque III ang nag-abot ng cheke sa pamilya ng ilang namatayan. 

Balikan ang livestream ng 24 Oras:

Facebook: https://bit.ly/3cxdXPn
YouTube: https://youtu.be/6nsoBIzjk7U

Bisitahin ang www.gmanews.tv para sa iba pang mga balita.
Live in partners, arestado matapos makakulimbat ng milyong-milyon sa mga pinangakuan nilang bebentahan ng face mask - Mga Kapuso, mag-ingat sa pagbili ng face masks. Sa Laguna, arestado ang magka-live in na nakakulimbat ng milyun-milyong piso sa mga pinangakuan nila na bebentahan ng face mask.

Balikan ang livestream ng 24 Oras:

Facebook: https://bit.ly/3cxdXPn
YouTube: https://youtu.be/6nsoBIzjk7U

Bisitahin ang www.gmanews.tv para sa iba pang mga balita.
Load more