Comments Box SVG iconsUsed for the like, share, comment, and reaction icons
Ito na ba ang kasagutan para payagan ang backride sa motorsiklo?

Sa Iloilo, mismong si Gov. Arthur Defensor Jr. ang nagdisenyo ng motorsiklo kung saan makikita ang safety features para sa backriders at para masigurong masusunod ang physical distancing measure.

May transparent protective shield para sa backrider, may handlebar sa likod ng driver para masigurong ligtas ang umaangkas.

Hinihintay pa ang magiging opinyon ng LTO ukol rito. | via Cherry Palma, ABS-CBN News

DAY 84. Narito ang mga balitang dapat mong tutukan ngayong Sabado, Hunyo 6 sa gitna ng #COVID19 crisis:  

* Nadagdagan pa ng 244 bagong COVID-19 kaso ang bansa nitong Biyernes, ayon sa DOH. 168 sa mga ito ay fresh cases habang 76 naman ang late cases. https://bit.ly/3cAyHFT

* May 82 bagong naitala na nakarekober sa coronavirus para sa kabuuang 4,330 na gumaling mula sa virus. Tatlo ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi. https://bit.ly/3cAyHFT

* Pumalo sa 17.7% ang unemployment rate sa bansa nitong Abril sa gitna ng pandemya. Katumbas ito ng halos 7.3 milyong Pilipino na walang trabaho. https://bit.ly/30bmRzg 

* Pinabababa ni Senador Panfilo Lacson sa pwesto si DOH Sec. Francisco Duque III matapos isisi ng kalihim sa kaniyang tauhan ang mabagal na pamimigay ng benepisyo ng mga health worker na tinamaan ng COVID-19 o nasawi dahil dito. https://bit.ly/2UhATfc

* Magbabawas ng aabot sa 12% ng kanilang mga empleyado ang AirAsia Philippines dahil sa pagkalugi nito sa gitna ng COVID-19 pandemic. https://bit.ly/3dx9Unn

* May 6 Pilipino na nasa abroad ang nadagdag sa bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19. Umakyat na sa 5,361 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na nasa ibang bansa na may coronavirus. https://bit.ly/375Gtq1

* Higit 1,000 na ang nakarekober mula sa COVID-19 sa Quezon City, ayon kay Mayor Joy Belmonte. https://bit.ly/3ePv7Ji

* Maaaring isagawa sa tatlong ospital sa Pilipinas ang clinical trial ng anti-flu drug na Avigan na pinag-aaralang maging gamot laban sa COVID-19. https://bit.ly/2Mxz21B

Para sa iba pang balita kaugnay ng COVID-19, i-click ito: https://news.abs-cbn.com/covid19-watch
TINGNAN: Nasilayan ni Jovelyn Mateo ang Penumbral Lunar Eclipse sa Morong, Rizal nitong Sabado pasado ala-1 at alas-3 ng madaling araw.
TINGNAN: Nasilayan ni Jovelyn Mateo ang Penumbral Lunar Eclipse sa Morong, Rizal nitong Sabado pasado ala-1 at alas-3 ng madaling araw.
TINGNAN: Nasusunog ang ilang bahay sa may bahagi ng Correctional Road, Mandaluyong City pasado alas-3 ng madaling araw Biyernes.

Malapit ang sunog sa DSWD-Jose Fabella Center na tinutuluyan ng mga homeless na nasasagip ng ahensiya.

Nitong Lunes lang ay nasunog din ang ilang bahay sa Block 37, Barangay Addition Hills sa lungsod. | via Bryan Reyes, ABS-CBN News

TINGNAN: Nakabibighaning "Strawberry Moon" ang nasilayan ng mga residente sa Morong, Rizal matapos makuhanan ni Jovelyn Mateo ng larawan ang buwan nitong Biyernes alas-6:20 ng gabi.

Nilinaw ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na hindi nagpositibo sa #COVID19 ang 30 na empleyado ng Barangay South Triangle matapos ang isinagawang evaluation ng City Health Department's Epidemiology and Surveillance Unit. | via Fred Cipres, ABS-CBN News
TINGNAN: Naipatupad pa rin ang physical distancing sa isinagawang kilos-protesta sa University Avenue sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City noong Huwebes laban sa panukalang bagong anti-terrorism law.

Pinangangambahan na magagamit ang panukalang batas laban sa mga kritiko ng gobyerno gayundin sa paglabag sa karapatang pantao. (📷: Anjo Lapresca) 

Basahin dito ang iba pang detalye ng panukalang batas: https://bit.ly/2Y65q0l
Load more